Pasukan nanaman
Nagtransfer nako sa FEU-Fern College. Okay lang. Madali makapasok dun. Di tulad sa UST, mag-shi-shift lang ako eh kung anu anu pa hinihingi sakin, may interview pa na di naman kailangan. Dun sa FEU mag exam ka lang, pasok ka na haha! Kahit kulang ka sa requirements makaka-enroll ka (basta i-fo-follow up mo syempre) medyo na-weirduhan nga ko eh. Nag-inquire lang kame, bigla nako pinakuha ng exam. Kinabahan tuloy ako. Mahigit isang taon akong di pumasok tapos bigla ako mag-eexam. Eh limot ko na kaya yung lessons noon. >____> Buti na lang IQ test lang yung exam. Pagkatapos ko mag-exam, halos mamatay ako sa kaba sa kakahintay ng result. Baka kasi nabobo nako at maibagsak ko pa yung IQ test nila. Panu naman kase, puro computer lang inatupag ko, haha! So ayun, nalaman din agad yung result, pumasa ako.
Sabi ko dun sa previous post ko akala ko may cancer nako. False alarm lang yun haha! Ngayon wala na, di na masakit. Kasi naman, nung araw na yun masakit talaga sya. Sino ba naman hindi matatakot nun. Sabi ng nanay ko di naman daw agad susulpot yun eh (oo nga naman). Tapos sabi nya, after 1 week pag meron parin, papacheck-up na daw kami. Buti na lang wala na ngayon. Ang OA ko kasi hehe!
Matatapos na yung Hana Kimi... So sad. Wala nanaman akong mapapanood sa tv. Yung romantic princess... Parang corneeek haha! Kakasawa na mga animes, puro replay naman. Buti na lang ipapalabas na yung bagong episodes ng School Rumble, at buti na lang wala akong pasok ng weekend at makakanood ako.
Cellphone. Pasukan na next week wala parin akong cellphone!!!!!!!!!! Tae naman kasi. Nung bday ko lumabas kami, akala ko ibibili nako ng cellphone, di naman pala!!!! Pag ako nainis aarborin ko yung cp ng nanay ko... Srsly.

giggly
worried
energetic
frustrated

